Bywilfedo gacosta, writer at Creators.co

Simple lang ang mabuhay dito sa Pilipinas. Kahit na mayaman ka man o mahirap basta ang importante maging masaya ka lang!. Marami man ang umalis sa aming lugar at pumunta ng ibang bansa para magtrabaho at kumita ng pera. Pero sa pag dating nilang lahat kame ay nag sasama-sama para ang lahat ay mag saya lalo na sa araw ng Fiesta! nagsisidatingan ang mga kamag anak at ng ibat-ibang Pamilya galing sa mga ibat-ibang lugar para makisalo-salo sa hapag kainan at inuman higit sa lahat bawal ang KJ sa araw na iyon.:) Dahil ang Fiesta ay parang Pasko! ang lahat ay nagsasama-sama dahil ito ay nakasanayan na namin mga Pilipino kaya ngayon ito ay isa na namin Tradisyon.

Ganito kame! kahit na wala kameng mapag pwestuhan handa naming i ayus ang handaan kahit na sa gilid nang highway pa namin yan. may mga matatanda binata at mga bata o kahit na mga dayo pa yan welcome sila sa aming lugar. Dahil Kapag umikot na ang baso sa lamesa tuloy na ang kwentuhan tawanan at kamustahan nang aming mga angkan at ng aming mga kaibigan hanggang sa matapus ang inuman kahit na abutin pa na kinagabihan at kinaumagahan. Sabi ku nga sa aking sarili "enjoy life" hanggang nabubuhay kapa!.

Trending

Latest from our Creators